BLOG NI OBLE

iskolar ng bayan

12/11/2008

SINO SI OBLE

“Oble" ang tawag ng mga mag-aaral sa rebulto ng lalaki na nakahubo’t hubad, nakadipa ang kamay habang nakatingin sa kalangitan. Ang rebultong ito ang sumasalubong sa mga taong nagpupunta sa University of the Philippine sa Diliman, Quezon City. 


Ang pangalang “Oble" ay pinaigsing “Oblation" na sumisimbulo sa UP. Ang orihinal na rebulto ni “Oble" na nilikha ni Professor Guillermo Tolentino noong 1935 ay nasa main library building ng UP Diliman. Pero totoo nga ba na isang dating sikat na aktor ang naging modelo ng nasabing debuho?

Naging maugong noon na si Fernando Poe Sr, ama ng kinikilalang Hari ng Pelikulang Pinoy na si Fernando Poe Jr ang sinasabing modelo ng UP oblation. Ngunit sa isang libro, lumitaw na hindi si Poe Sr kundi si Anastacio Caedo ang modelo ng debuho.

Si Caedo ay sinasabing estudyante ni Professor Guillermo Tolentino ang lumikha ng debuho noong 1935. Nais umanong ipakita ni Tolentino sa kanyang obra ang nasyunalismo ng isang Filipino. Ang hubo’t hubad na katawan habang nakadipa ang mga kamay ay pagpapakita ng pag-aalay nito ng sarili para sa bayan.

Hindi naglaon, si Caedo ay naging fine arts professors at sinundan ang yapak ni Tolentino sa paglilok. Kabilang sa mga ginawang rebulto ni Caedo ay ang monumento ni Dr. Jose Rizal sa Idelstien, Germany.

Unang naging tahanan ni “Oble" ang quadrangle ng UP Manila sa Padre Faura bilang pagkilala sa kadakilaan ng mga bayani na lumaban sa mga Kastila. Taong 1949 nang ilipat si “Oble" sa Diliman kasabay ng paglipat ng main administrative office ng unibersidad sa Quezon City.

Nang sumunod na taon (1950), nagdesisyon ang UP na ibalot sa tanso ang kongkretong rebulto para sa Golden Jubilee ng UP at mismong si Tolentino ang nangasiwa sa proseso na ginawa sa Italy. –
GMANews.TV

Sa paggunita ng ika-isandaang taon ng Unibersidad ng Pilipinas isandaang mga estudyante at alumni na kalalakihan ang lumahok para mag ala-oble, suot lamang ang isang pirasong dahon, bilang simbolo ng pag-aalay ng sarili sa bayan.

http://www.gmanews.tv/story/88354/Unang-bahay-ni-Oble

Related Posts by Categories



Widget by Scrapur
Bookmark this post:
StumpleUpon Ma.gnolia DiggIt! Del.icio.us Blinklist Yahoo Furl Technorati Simpy Spurl Reddit Google

0 comments: