Kikilalanin ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang tagumpay, serbisyo, talino, at kagalingan ng kanilang mga katangi-tanging guro, mag-aaral, at kawani para sa taong 2008 sa Linggo ng Parangal, na gaganapin mula a-25 hanggang a-27 ng Pebrero. Pinakatampok sa isang linggong pagbibigay-pugay na ito ang Gawad Chanselor na gaganapin sa Awditoryum ng NISMED, sa Biyernes,ika-27 ng Pebrero.
Ang Gawad Chanselor ang pinakamataas na pagkilala na iginagawad ng UP Diliman bilang pagkilala sa husay sa pagganap ng mga guro, mananaliksik, extension workers, mag-aaral, at kawani. Kinikilala ng Gawad Chanselor ang pinakamataas ng kalidad na nakamit sa larangan ng pagtuturo, pananaliksik, paglilimbag, extension work, likhang-sining, at pagtatanghal.
Ang mga University Scholars (US) at ang iba pang mga mag-aaral na umani ng tagumpay sa iba't-ibang larangan ay kikilalanin sa Parangal sa Mag-aaral sa MiyerkulsMes, ika-25 ng Pebrero sa Ang Bahay ng alumni. Ang US ay mga mag-aaral na nagkamit ng absolute minimum weighted average na 1.45 or mas mataas pa, para sa di-gradwado, o 1.25 o mas mataas pa, para sa gradwado, sa pagtatapos ng semestre. Ang mga mag-aaral na nakuha ang pinakamataas na pwesto sa professional examinations, at ang mga mag-aaral na kinilala sa pambansa at internasyonal na kompetisyon, ay pararangalan din.
Ang katapatan at dedikasyon sa tungkulin ng mga retiradong kawani ng UP Diliman ay bibigyang-pugay sa Parangal sa mga Retirado at Gawad Paglilingkod sa a-26 ng Pebrero. Sa palatuntunan ding ito, tatanggap ng Gawad Paglilingkod award ang mga kawani na nakapaglingkod na ng 40 taon.
Ang parangal na ito ay taunang tradisyon sa UP Diliman.
Bookmark this post:
|
0 comments:
Post a Comment